Iniulat ng PNP Manaoag ang zero incident matapos ang ginanap na 100th Canonical Coronation ng Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag noong Abril 22, 2026.
Ito ay matapos ihayag ni PMAJ Peter Paul V. Sison, Chief of Police ng PNP Manaoag, sa flag raising ceremony noong Lunes na wala umanong naiulat kahit na maliliit na vehicular traffic incident sa buong panahon ng pagdiriwang.
Ipinaliwanag naman ni Mayor Jeremy Agerico Rosario na ipinatupad ang limitadong kapasidad ng mga dumalo sa koronasyon sa loob ng simbahan dahil sa matinding init ng panahon.
Aniya, may ilang pagbabagong isinagawa sa orihinal na plano upang masunod ang security protocols kaugnay ng pagdalo ng Pangulo ng Pilipinas, kabilang ang pansamantalang lockdown sa lugar.
Matatandaang sa 50th Golden Canonical Coronation noong 1975, pinangunahan ni Doña Josefa Edralin Marcos, lola ng kasalukuyang pangulo, ang nasabing seremonya na ibinahagi ng alkalde na maaaring nagdulot sa pangulo na dumalo sa naturang pagdiriwang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








