
Kailangan pa ring palakasin ng bansa ang Sandatahang Lakas nito; may mga kaalyado mang ibang bansa o wala.
Reaksyon ito ng Malacañang kasunod ng pagsuspinde ng Amerika sa military aid nito sa Ukraine na pingangambahang baka gawin din sa Pilipinas.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ito ang dahilan kung bakit dapat magtuloy-tuloy ang modernization program sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mas makabubuting palaging handa ang bansa sa anumang posibilidad para hindi laging umaasa na lamang sa mga kaalyadong bansa.
Samantala, dumistansya naman ang Palasyo sa isyu ng pagpapalit ng polisiya ng US tungkol sa kanilang military aid.
Mas ipaliliwanag anila ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posisyon ng Pilipinas sa usaping ito.