Mga lumabag sa gun ban, pumalo na sa mahigit 1,400

Sumampa na sa 1,413 indibiwal ang naaresto dahil sa paglabag sa Commission on Elections (COMELEC) Gun Ban.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang Metro Manila pa rin ang may pinakamaraming naaresto na umaabot sa 446, sinundan naman ito ng Central Luzon na may 216, at Central Visayas na may 191 violators.

Karamihan sa mga naaresto ay sibilyan, mayroon ding pitong miyembro ng militar, siyam na PNP personnel, 27 security guards, anim na foreign nationals, at dalawang appointed government officials.


ang mga ito ay nadakip mula sa mga ikinasang checkpoint, police operations, anti-illegal drug operations, at iba pa.

Samantala, umabot na sa 1,488 ang mga baril na nakumpiska ng Pambansang Pulisya.

Kabilang dito ang pistol, revolver, rifle, shotgun, replica, at mga pampasabog.

Facebook Comments