Tatakbo hanggang Mayo 18 ang operasyon ng COMELEC Mangaldan para sa Satellite Voter’s Registration kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong taon.
Ayon sa abiso, bukas ang tanggapan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, araw ng Martes hanggang Sabado, kabilang ang mga holiday upang diretsong ma irehistro ang mga nais makaboto.
Huling taning ng pagpaparehistro ang nabanggit na petsa dahil wala nang extension o palugit ang COMELEC para sa mga botante.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring i-avail ng publiko ang pagpaparehistro ng first-time voters, reactivation ng rehistro, pagbabago ng pangalan o civil status, pagwawasto ng entries, aplikasyon para sa inclusion at reinstatement, paglilipat ng rehistro mula sa loob o labas ng isang lungsod o munisipalidad, magpa-update ng kanilang records ang mga kabilang sa vulnerable sectors tulad ng Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens (SCs), at mga miyembro ng Indigenous Peoples (IPs) o Indigenous Cultural Communities (ICCs).
Iginiit ng COMELEC na mahalaga ang patuloy na pagpaparehistro upang mapalawak ang partisipasyon ng mamamayan sa halalan at matiyak na napapanahon ang datos ng mga botante. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










