
Advantage ni Senator Chiz Escudero ang pagiging presiding officer nito para sa nalalapit na impeachment trial ni VP Sara Duterte ayon kay La Union 1st District Representative Paolo Ortega.
Ayon sa kanya, karamihan ng impeachement rules ay si Escudero ang sumulat at nag-ammend.
Ibig sabihin mas kabisado ng nasabing senador ang rules ng nasabing impeachment.
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng pagendorso ng Senate Majority Bloc si Escudero bilang presiding officer ng nasabing trial dahil na rin sa legal na expertise nito at sa mga naging experiences nito sa impeachment proceedings .
Nabatid na may mga grupong nagpahayag na hindi sila pabor na si Escudero ang hahawak ng nasabing trial.
Kaugnay nito, ayon naman kay Ortega ay handang-handa naman na ang prosekusyon para sa nalalapit na impeachment trial ni VP Duterte sa darating na July 6.










