
Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 5th Division ang ‘motion for reconsoderation’ ni Uswag Ilonggo Representative Jojo Ang na i-consolidate o pagsamahin ang kinakaharap niyang 14 na kaso ng graft.
Sa resolusyong inilabas ng Sandiganbayan 5th Division, ito ay dahil sa kawalan ng mertito ng nasabing mosyon.
Dagdag pa rito, may kanya-kanyang kontrata, procurement process, at financial records ang nasabing mga kaso sa iba’t ibanh dibisyon, at hindi umano required ang korte na i-consolodate o pagsamahin ang mga kaso dahil lang sa kontektado ang mga impormasyon nito.
Nangangailangan din umano ng magkakahiwalay na documentary at testimonial proof ang bawat kaso kaugnay ng partikukar na procurement process ng mga proyekto.
Matatandaang ibinasura na ng korte noong September 9 ang kaparehong mosyon.
Samantala, nahaharap naman si ang sa 14 na kaso ng graft, na nag-ugat sa umano’y partisipasyon ni Ang sa P214-million na infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways na natanggap ng Allencon Development Corporation, na iniuugnay kay Ang.
