Friday, October 2, 2026

DTI, tiniyak na sapat ang suplay ng bottled water sa gitna ng mga balitang may mga bumibili na ng bultuhan dahil sa El Niño

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang suplay ng bottled water sa merkado at hindi kailangang mag-hoard ang mga mamimili.

Kasunod na rin ito ng pagbili at pag-iimbak na ng ilan nating mga kababayan ng bottled water dahil sa anunsiyo ng Pagasa na matinding El Niño.

Ayon sa DTI, paiigtingin nito ang price monitoring at patuloy na makikipag-ugnayan sa mga manufacturer at distributor upang matiyak na tuloy-tuloy ang suplay ng inuming tubig.

Mahigpit ding babantayan ng ahensiya ang mga reklamong may kaugnayan sa sobrang presyo ng mga plastic drum, water container at iba pang kaugnay na produkto.

Nagpaalala rin ang DTI sa mga negosyante at tindero na maging responsable at huwag samantalahin ang sitwasyon sa pamamagitan ng hindi makatarungang pagtataas ng presyo.

Babala ng DTI, hindi ito magdadalawang-isip na magpataw ng kaukulang multa, parusa at iba pang legal na aksyon laban sa mga lalabag sa umiiral na batas at regulasyon.

Facebook Comments