MPD, muling nagkasa ng operasyon laban sa mga nagbebenta ng pekeng dokumento sa Maynila

Sunud-sunod na nagsagawa ng operasyon ang District Intelligence Division (DID) ng Manila District Police (MDP) laban sa mga nagbebenta at gumagawa ng mga pekeng dokumento at IDs.

Partikular sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue na sakop ng Brgy. 395 kung saan nagkasa sila ng entrapment operation sa tatlong pwesto.

Unang naaresto ang 49-anyos na si Leilhala Borja kung saan nagbebenta ito ng pekeng birth certificate.

Sunod na nasakote ay si Raynol Male, 34-anyos na nahuling nagbenta ng pekeng diploma, habang pekeng driver’s license naman ang ibinebenta ng 49-anyos na si Mario Talastasin.

Kapwa nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Art. 172 o Falsification of Public Documents kung saan nag-ugat ang operasyon matapos na unang mahuli ang apat na indibidwal na gumagawa at nagbebenta ng diploma at transcript of records (TOR).

Facebook Comments