MPD, muling nakapagtala ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay

Courtesy: Manila Police District

Inihayag ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na may tatlo silang mga tauhan ng nahawaan ng COVID-19.

Sa datos ng MPD Medical and Dental Unit, sa nasabing bilang isa sa kanila ang naitalang bagong kaso.

Kaugnay nito, umaabot na sa 1,193 ang naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa buong hanay ng MPD.


Lima naman ang naitalang nasawing tauhan ng MPD dahil sa COVID-19 habang 1,185 ang nakarekober sa nasabing sakit.

Muli naman pinapaalalahanan ng pamunuan ng MPD sa mga tauhan nito na magdoble ingat pa rin at magsuot ng face mask kung nasa closed door at mataong lugar.

Maigi rin na sumalang sa pagbabakuna upang kahit papaano ay may panlaban sa COVID-19.

Facebook Comments