MPD, naka-alerto na sa pagsisimula ng Ramadan

Nagpakalat ng mga tauhan ang Manila Police District (MPD) para sa seguridad sa pagsisimula ng Ramadan sa araw ng Linggo, April 3.

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco, itinalaga nila ang mga pulis sa mga lugar kung saan mayroong Mosque.

Maliban sa mga pulis, pinakalat rin nila ang kanilang mga swat team at tactical motorcycle riding units.


Partikular na babantayan ng MPD ang Golden Moss sa Quiapo at Al-Shatie Mosque sa Baseco.

Sinabi pa ni Francisco na nakipagpulong na rin sila sa pamunuan ng mga Mosque para sa seguridad ngayong magsisimula ang panahon ng Ramadan.

Facebook Comments