Banal na buwan ng Ramadan, magsisimula na sa Abril 3

Magsisimula na ang pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadan sa bansa sa Linggo, Abril 3.

Ito ang inanunsyo ng Bangsamoro Darul Ifta of the Philippines matapos hindi magpakita ang crescent moon Biyernes ng gabi.

Ayon kay Bangsamoro Darul-Ifta Executive Director Sheikh Abu Huraira Udasan, ang unang araw ng pag-aayuno para sa banal na buwan ng Ramadan ay magaganap sa araw ng Linggo sa ganap na alas-2:43 ng hapon.


Ang banal na buwan ng Islam ay nangangailangan ng espirituwal na pagninilay sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno, at pag-iwas sa makasalanang pag-uugali.

Ang buwan ng Ramadan ay nagtatapos sa Eid’l Fitr.

Facebook Comments