Tuesday, June 30, 2026

DOJ, pananagutin ang mga lalabag sa batas sa gitna ng INC rally

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nakahanda sila sa pagpapanagot sa mga lalabag sa batas kasunod ng biglaang rally ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Justice Secretary Eric Vida, nagtalaga na sila ng prosecutors para mapadali ang proseso ngayon pagsasampa ng mga reklamo sa sinumang lalabag sa batas.

Mandato aniya ng mga piskal na i-prosecute ang mga indibidwal na sasampahan ng mga reklamo.

Samantala, sinabi naman ni Manila Police District (MPD) Spokesperson Police Major Philipp Ines na nakadepende pa sa magiging assessment kung tatanggalin na ang mga barikada sa mga kalsadang nakapaligid sa Malacañang.

Ayon kay Ines, nakahanda rin ang kanilang securidad sakaling magkaroon ng biglaang kilos protesta sa lungsod, gaya ng kasalukuyang nangyayari sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Sa ngayon, nananatiling mapayapa ang sitwasyon sa paligid ng Mendiola at sa Ayala Bridge kung saan nagpapatupad ng mahigpit na seguridad.

Facebook Comments