
Ikinasa ng Schools Division Office ng Tacloban City, sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP), ang isang school safety orientation para sa lahat ng school heads.
Ito ay bilang tugon sa insidente ng karahasan na nangyari sa loob ng San Jose National High School, at para mapalakas na rin ang mga hakbang sa seguridad at paghahanda sa mga paaralan.
Kasama sa tinalakay sa orientation ay ang mga protocol sa kaligtasan, emergency response, threat assessment, at mga estratehiya sa pagpapatibay ng campus security, habang binigyang diin din dito ang mahalagang papel ng mga namumuno sa paaralan sa pagiging mapagmatyag, handa, at nakatuon sa proteksiyon ng mga estudyante.
Samantala, sinabi naman ng DepEd-Tacloban City na nananatili at patuloy silang nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at stakeholders para masigudo abg kaligtasan ng mga estudyante sa loob o labas man ng paaralan.










