Mainit na usapin ngayon ang hangganan ng mga bayan ng Pugo sa La Union at Tuba sa Benguet matapos igiit sa Sangguniang Panlalawigan ang pangangailangang malinaw na maprotektahan ang teritoryo ng lalawigan, matapos ang umano’y paglagpas ng inilagay na welcome marker sa bahaging sakop ng Pugo.
Sa isang privilege speech, inilahad na inilagay ang welcome marker ng Taloy Norte, Tuba, Benguet ng nasa pito hanggang sampung metro sa boundary na sakop ng Palina, Pugo.
Bukod pa rito, usapin din ang pagigiit ng municipal government ng Tuba sa silangang bahagi ng Palina, Pugo na sakop pa umano ng La Union.
Binigyang-diin sa sesyon ang pangangailangang igalang at pangalagaan ang teritoryal na hurisdiksyon ng La Union habang nananatiling bukas sa maayos na resolusyon sa pamamagitan ng dayalogo sa pagitan ng mga apektadong lokal na pamahalaan.
Panawagan din sa mga sangkot na panig na idaan sa tamang legal na proseso ang anumang paglilinaw sa hangganan upang maiwasan ang tensyon at mapanatili ang magandang ugnayan ng mga karatig-lokalidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










