MEALS ON WHEELS PROGRAM, UMARANGKADA SA BRGY. BANI, SAN CARLOS CITY

Nagsagawa ng community feeding activity sa Barangay Bani, San Carlos City sa ilalim ng Meals on Wheels program bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad.

Katuwang sa aktibidad ang City Nutrition Council at mga local health workers sa pamamahagi ng masustansyang pagkain para sa mga residente, lalo na sa mga nangangailangan ng nutritional support.

Nagkaroon din ng nutritional lecture upang madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa tamang pagkain at pagpapanatili ng maayos na kalusugan.

Ayon sa mga tanggapan, layunin ng programa na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga barangay at mahikayat ang komunidad na mas maging mulat sa kahalagahan ng wastong nutrisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments