Naarestong South Korean na may kasong swindling, nakatakdang ipa-deport

Nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean national na may kasong swindling sa Seoul.

Kinilala ang Koryanong suspek na si Park Sang Hyun, 63, na naaresto sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Si Park ay may warrant of deportation na kinakaharap simula noong Nobyembre ng nakalipas na taon.


Nabatid na ang naturang dayuhan ay nakatangay ng US$61,000 sa kanyang biktimang kababayan.

Facebook Comments