
Nasa kabuuang 9,821 na mga police personnel ang inilatag na security deployment ng Philippine National Police para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa September 14.
Ipakakalat ang nasabing deployment sa mga strategic locations sa buong rehiyon kung saan pinakamalaking deployment ang nakalaan sa 4,313 na mga voting centers.
Bukod dito, kasama rin sa tatauhan ng mga pulis ang 208 Commission on Elections (COMELEC) offices, 218 treasurers’ offices, at 856 na checkpoints sa rehiyon.
Habang ang 2,120 naman na Quick Reaction Forces ay mananatiling nakaposisyon para sa mga sitwasyon na nangangailanagn ng agarang responde.
Dagdag pa rito ang 352 Civil Disturbance Management at 1,754 Electoral Board (SEB) personnel.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng deployment na matiyak ang ligtas at malayang pagboto kasabay nang panawagan sa publiko na ireport agad ang anumang kahina-hinalang gawain sa mga awtoridad.










