Tuesday, May 26, 2026

Sasakyang ginamit sa gas-and-run incident sa QC, tukoy na ng QCPD; suspek kusang pinasusuko

Nananawagan ang Quezon City Police District (QCPD) sa taong sangkot sa panibagong kaso ng gas-and-run sa QC na mas makabubuti kung kusa na itong sumuko at makipag-ugnayan para linawin ang insidente at maiwasan ang mas mabigat na kasong legal.

Ito ay kasunod ng development na inilabas ng mga imbestigador kung saan natukoy na ang sasakyang ginamit, at ito ay isang grayish blue Toyota Vios na may plate number na CBK 7953.

Ayon sa QCPD, natukoy ang sasakyan sa pamamagitan ng masusing CCTV backtracking at koordinasyon sa mga kalapit na establisyimento at barangay, laluna sa Brgy. Bahay Toro at Brgy. Bagong Pag-asa.

Sa impormasyong hawak ng QCPD, ang 2023 model na Vios ay binili sa Nueva Ecija at nakarehistro sa Toyota Financial Services Philippine Corporation.
Ito ay kasalukuyang naka-lease sa isang indibidwal na kinilalang alyas ‘Jherosalyn’.

Bandang alas-tres ng madaling-araw noong Linggo nang tumakas at humarurot papalayo ang driver ng Sedan matapos magpakarga ng gasolina na nagkakahalaga ng php 1,500.00 sa isang gasolinahan sa Mindanao Avenue, Brgy. Bahay Toro.

Facebook Comments