Naitalang kaso ng vote buying nitong nakalipas na midterm elections, mas mataas kumpara noong 2023 BSK Elections

Umabot sa 38 ang kaso ng vote buying na naitala ng Philippine National Police (PNP) sa katatapos lamang na 2025 midterm elections.

Mas mataas ito ng 14 na kaso kumpara sa 24 na insidente noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa PNP, ang pagtaas ng bilang ay resulta ng mas pinaigting na presensya ng pulisya, mas aktibong intelligence gathering at mabilis na aksyon sa mga komunidad bilang bahagi ng pinalawak na election security operations.

Sa datos ng PNP, Region 7 ang may pinakamataas na bilang ng mga insidente ng vote buying na may 10 kaso na sinundan ng Region 1 na may pitong kaso, at Region 4-A na may limang kaso ng vote buying.

Facebook Comments