Aplikasyon para sa susunod na Ombudsman, binuksan na ng JBC

Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa susunod na mauupong Ombudsman.

Ito ay sa harap ng napipintong pagtatapos ng termino ni Ombudsman Samuel Martires sa darating na July 27.

Sa anunsiyo ng JBC, mangyaring bisitahin ang online application and registration system na makikita sa Philippine Judiciary Platform o portal.judiciary.gov.ph para makumpleto ang requirements at maisumite ang aplikasyon.

Nakasaad na hanggang sa 4:30 ng hapon ng July 4 lamang bukas ang aplikasyon para sa nais maging Ombudsman.

Nagbabala naman ang JBC sa mga aplikante na susubukang pekein ang ilalagay na impormasyon na mahaharap sila sa perjury at agad idi-disqualify.

Itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Ombudsman Martires noong 2018 kapalit ng nagretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Facebook Comments