Wednesday, August 12, 2026

Defense team, hindi intensyong bastusin ang prosekusyon matapos magkainitan sa impeachment trial ni VPSD

Binigyang-diin ng defense team ni Vice President Sara Duterte na walang intensyon ang kanilang counsel na si Atty. Kristine Ferrer na bastusin si House private prosecutor Atty. Lorna Kapunan kasunod ito ng kanilang mainit na argumento sa impeachment trial ngayong araw sa Senado.

Nabatid na nagbigay ng reaksyon si Atty. Kapunan sa media nang tanungin ito patungkol sa naging asta umano ni Atty. Ferrer sa kanya.

Kung saan sinabi ni Atty. Kapunan na pinalaki nya ang kanyang mga anak ng may respeto at sana ang abogado rin umano ng depensa.

Ayon kay defense lead counsel Atty. Michael Poa, para sa kanya maaaring highly-charged si Atty. Ferrer nang panahon na iyon, kung saan aniya ang bawat abogado naman ay may kanya-kanyang istilo.

Aniya, sa tingin nya ay wala namang intensyong hindi respetuhin ang sinuman .

Kaugnay nito, ayaw nang magdagdag pa ng komento ni Atty. Poa sa naging pagpalag ni defense lead counsel Atty. Sheila Sison sa naging post ni private prosecutor Amando Ligutan kaugnay ng umano’y pag-allow ni Atty. Ferrer sa misleading questions .

Ayon kay Poa, naibigay naman na ni Atty. Sison ang kanyang naging pahayag at hintayin na lang sa Lunes para mabigyan ng pagkakataon si Atty. Ligutan na magsalita ukol dito.

Facebook Comments