
Posibleng patawan ng parusa si Vice President Sara Duterte (VPSD) sakaling hindi ito humarap sa korte kaugnay sa kasong grave threats na inihain ng Department of Justice (DOJ) sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, may itinatakdang proseso at posibleng penalty ang batas kapag hindi dumalo ang isang akusado sa mga pagdinig ng korte.
Pero paglilinaw ni Martinez, hindi nila masasabi kung personal na haharap si VP Sara sa kaso, dahil nasa korte at sa kampo ng bise presidente ang magiging hakbang dito.
Una nang nilinaw ng Justice Department na magkaiba ang proseso sa grave threats sa na isa sa articles of impeachment na kinakaharap ni VP Sara sa Senado at sa kasong inihain sa korte.
Kinasuhan si Duterte dahil sa mga pahayag may kinausap na umano siya para patayin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kaniya.
Ibinasura naman ang inciting to sedition case dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.










