NAKURYENTE | Isang lineman, patay matapos makuryente

Patay ang isang lineman ng Green Earth Telecom Services nang makuryente matapos mag-ayos ng linya sa loob ng Police Regional Office (PRO)-2.

Nakilala ang biktima na si Saldifer Espanto, 29-anyos at residente sa bayan ng Alcala, Cagayan.

Sa ulat ng pulisya, umakyat ang biktima sa isang gusali at habang naglalakad sa bubungan ay nakuryente ito saka nahulog sa ginagawang hukay.


Nagawa pang madala sa Cagayan Valley Medical Center si Espanto pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Facebook Comments