SUICIDE | Isang lalaki, nagpakamatay matapos damdamin ang pagkawala ng kaniyang ina

Manila, Philippines – Isang lalaki ang nagpakamatay dahil sa labis umano nitong dinamdam ang pagkasawi ng kanyang ina sa Port Area, Maynila.

Sa ulat, nakabitin pa sa kisame ng tinutuluyang kuwarto sa Barangay 651 Port Area nang maabutan ng mga kaibigan ang mga biktimang si Johnmar Josol, 26-anyos.

Agad nagtulong ang mga kaibigan ng bitkima para ibaba ito saka tinangkang i-revive ngunit huli na ang lahat.


Napag-alaman na labis na ikinalungkot at dinamdam ng biktima ang pagkamatay ng kanyang ina noong Oktubre 23 kaya posibleng ito umano ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay.

Facebook Comments