
Nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng mga territorial police ang 2 lalaking sangkot sa pagpapaihi o ang ilegal na pagsasalin ng produktong petrolyo sa Brgy. San Rafael, Tarlac City.
Narekober sa kanila ang mga produktong petrolyo, fuel tanker truck, tractor head, fuel pumps, at iba pang mga ebidensya.
Tinatayang nasa halos 2.4 million pesos ang halaga ng mga nasabing nakumpiska.
Nahaharap naman sa kaukulang mga kaso ang nasabing indibidwal.
Facebook Comments










