Saturday, September 19, 2026

Debriefing, counseling, at psychosocial support, dapat agad maibigay sa mga sa mga biktima at saksi sa South Cotabato school shooting

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative Antonio Tinio sa Department of Education (DepEd) at mga lokal na opsiyal ng South Cotabato na tiyaking agad maibibigay ang sapat at agarang debriefing, counseling, at psychosocial support sa mga biktima at nakasaksi sa pamamaril sa Banga National High School.

Kabilang sa tinukoy ni Tinio na dapat mabigyan ng ganitong suporta ang mga mag-aaral, guro, at mga magulang at iba pang nakakita sa malagim na krimen.

Ayon kay Tinio, hindi sapat na ipasuspende ang klase dahil ang kailangan ay tugunan ang mas malalim na sugat sa isip at damdamin ng buong school community.

Giit ni Tinio, ang insidente ay panibagong paalala ng matagalang kahinaan ng ating mga paaralan, kulang na pondo, kulang na guidance counselors, kulang na mental health services, at kulang na suporta sa mga guro at mag-aaral.

Binanggit ni Tinio na habang dinidinig ng mga mambabatas ang panukalang 2027 budget ay dapat siguraduhin ng pamahalaan at ng Kongreso na sapat ang pondo para sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata sa mga paaralan.

Facebook Comments