Wednesday, September 2, 2026

Nasirang tulay sa Tarlac dahil sa habagat, ininspeksiyon ni PBBM; pagtatayo mg temporary bridge minamadali na

Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga lugar na napinsala ng mga pagbaha nitong mga nakalipas na araw.

Unang pinuntahan ni PBBM para inspeksiyunin ang nasirang Agana at Aquino Bridge sa Tarlac na nasira dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa habagat.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., magtatayo na ng temporary bridge para madaanan ng mga naglalakad at inaasahang matatapos sa loob ng isang linggo.

Nasa dalawang linggo naman ang target ng pamahalaan para matapos ang temporary bridge na maaaring makatawid ang mga maliliit na sasakyan.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., maglalaan din sila ng ₱300 million para ipagawa ang mga nasirang tulay

Pagkatapos ng inspeksiyon sa Tarlac, inaasahang magtutungo naman ang pangulo sa Pampanga para silipin ang sitwasyon ng nasira na Sto. Cristo Dam at ang mga apektadong evacuees.

Facebook Comments