COMELEC, dumepensa sa pagbasura sa opposition na inihain ng Duterte Youth Party-list laban kay incoming Rep. Rowena Guanzon

101

Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na dumaan sa proseso ang bagong listahan ng mga nominado ng P3PWD Party-list noong June 15.

Kinumpirma rin ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na pinaiikot na ang certificate of proclamation ni dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nag-substitute sa P3PWD Party-list para malagdaan.

Ipinasusumite na rin aniya ang sertipikasyon na ito sa Secretary General ng Kamara.


Ang paglilinaw ng COMELEC ay kasunod ng pagbasura ng poll body sa petisyon ng Duterte Youth Party-list laban sa pagpapalit ng mga kinatawan ng P3PWD party-list.

Facebook Comments