NBA | Cavaliers at Pacers, tabla na sa game 4

Amerika – Hindi na hinayaan pa ng Cleveland Cavaliers na umabot sa 3 – 1 deficit ang serye ng NBA playoffs nila kontra Indiana Pacers.

Ito ay makaraang maitabla ng Cavaliers sa 2 – 2 ang kanilang serye sa game 4.

Nanguna sa panalo ng Cavs, 104-100 si NBA Star Lebron James na kumamada ng 32 points.


Gayunman, naging susi pa rin sa panalo ng team ang pinakawalang three-point shot ni Kyle Korver para makuha ang kanilang four-point lead kontra Pacers.

Gaganapin ang game 5 sa homecourt ng Cavs sa Miyerkules, April 25.

Facebook Comments