Tuesday, July 21, 2026

Romualdez, sinusubukan pa ring lumabas ng bansa kahit may PHDO —Ombudsman

Kinumpirma ng Office of the Ombudsman na tinangka pa rin umanong makalabas ng bansa ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa kabila ito ng paglalabas ng Sandiganbayan ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) laban sa dating mambabatas sa gitna ng isyu ng mga anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, nananawagan sila sa mga ahensiya, partikular sa law enforcement agencies at border security, na mahigpit na magbantay.

Ibinabala pa ni Clavano na posible rin na tangkain nitong makalabas ng bansa sa pamamagitan ng ibang paraan.

Una nang sinabi ni Clavano na aarangkada na ang preliminary investigation laban kina Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at iba pang personalidad kaugnay ng flood control anomaly.

Facebook Comments