Wednesday, July 22, 2026

Subpoena para sa tax at bank records ni VP Sara, ngayong araw isisilbi ng OSAA

Ngayong araw pa lang maisisilbi ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang mga subpoena para sa mga ahensiya ng gobyerno at bangko na ipinapo-produce sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Kaugnay ito sa kautusan ng impeachment court sa kaso ni VP Sara na i-subpoena ang mga bank at tax records ng pangalawang pangulo at asawang si Atty. Manases Carpio.

Ayon kay Atty. Reginald Tongol, tagapagsalita ng impeachment court, isisilbi ng OSAA ang mga subpoena sa Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at ilang mga bangko.

Kahapon ito dapat nagawa subalit kinapos sa oras kaya ngayon lamang maisisilbi ng OSAA.

Ang pagpapa-subpoena sa mga bank at tax records ng bise presidente at asawa nito ay alinsunod sa hiling ng prosekusyon na patunayang nagkamal ng hindi maipaliwanag na yaman ang ikalawang pangulo na hindi deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ilang senador naman ang nagsumite ng manifestation na tutol sa pagpayag na ma-subpoena ang mga bank at tax records, kabilang sina Senator-judges Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Imee Marcos, Loren Legarda at Camille Villar.

Facebook Comments