Wednesday, July 22, 2026

DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL MAGLULUNSAD NG 21ST CENTURY SCIENCE BUILDING; ROBOTICS PROGRAM, BUBUKSAN SA MGA MAG-AARAL

Inilunsad sa Dagupan City ang 21st Century Learning Environment Model (21st CLEM) Science Building sa Dagupan City National High School (DCNHS) kasabay ng pagpapalawak ng Robotics Program para sa mga mag-aaral.

Batay sa ulat, target nitong palawakin pa ang mga kagamitan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan ng science, technology, engineering, at robotics sa pamamagitan ng hands-on trainings at makabagong learning environment.

Itinatag ito matapos ang isinagawang pagpupulong para sa paghahanda ng proyekto kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, kabilang ang DCNHS, DepEd Schools Division Office ng lungsod, at PARMC.

Kabilang sa programa ang paglalatag ng mga makabagong pasilidad at learning initiatives sa mas maraming paaralan upang mas maraming estudyante ang magkaroon ng access sa teknolohiya at mga kasanayang kinakailangan sa makabagong panahon.

Inaasahan din ang pagsasagawa ng mga robotics at science competitions sa hinaharap at ang pagpapalawak ng mga programang Rhythm and Music, Science Toys, STARBOOKS, 21st Century Classrooms, at Computer Literacy sa pakikipagtulungan sa Department of Science and Technology (DOST).

Ayon sa lungsod, ang pagbubukas ng 21st CLEM Science Building at Robotics Program ay para mabigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral samakabagong mundo na nakasentro sa agham at teknolohiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments