
Pagpapababa sa singil sa kuryente ang isa sa mga pangunahing prayoridad na isusulong ng administrasyon sa 20th Congress.
Ito ang isa sa mga tinalakay sa LEDAC Ad Hoc Team meeting na pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto bilang paghahanda sa ika-apat na Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting para sa 20th Congress, na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Huwebes sa Malacañang.
Bukod sa pagbawas sa bayarin sa kuryente, kabilang din sa mga prayoridad ang mga panukalang magbibigay ng tax relief sa maliliit na negosyo at tax amnesty.
Ayon kay Recto, layunin ng full LEDAC meeting na pagkaisahin ang Ehekutibo, Senado, at Kamara sa mga panukalang batas na inaasahang maghahatid ng kongkretong pakinabang sa sambayanang Pilipino.
Dumalo rin sa preparatory meeting ang bagong talagang Presidential Legislative Liaison Office Secretary na si Joey Salceda.










