
Ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa pagdinig ng Kamara at ng House Committee on Justice kaugnay sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Batay sa desiyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura nila ang mga petisyon nina Atty. Israelito Torreon at VP Sara laban kina Rep. Gerville Luistro, House Speaker Bojie Dy na kumakatawan para sa Committe on Justice at Kamara.
Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, moot o wala nang saysay ang mga isyung nakasaad sa petisyon dahil inaprubahan na at naipadala na sa Senado ang Articles of Impeachment.
Iginiit ng petitioners na lumagpas sa kanilang kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon ang House Committee on Justice sa pagkuha ng mga ebidensiya at mga testifo na humarap sa paunang pagsusuri ng impeachment complaints.
Kinuwestiyon din nila ang findings ng komite na sufficient in form, substance at grounds ang mga reklamo laban sa pangalawang pangylo.
Paliwanag naman ng SC, dahil naipadala na sa Mataas na Kapulungan ang Articles of Impeachment, tapos na ang tungkulin ng Kamara sa proseso lalo’t umuusad na ang paglilitis.










