NEA Administrator Edgardo Masongsong, sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte.

323

Sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Electrification Administration (NEA) Administrator Edgardo Masongsong.

Sa Talk to the People kaninang umaga, kinumpirma ni Pangulong Duterte na inaprubahan na nito ang rekumendasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na sibakin sa pwesto si Masongsong matapos na masangkot sa korapsyon.

Giit ng pangulo, ang pagsibak sa pwesto sa NEA chief ay patunay lamang nang kagustuhan nito na malinis ang gobyerno.


Matatandaang sinampahan ng kaso ng PACC si Masongsong matapos niyang payagan na gamitin ang pondo ng electric cooperative sa kampanya ng isang partylist group noong 2019.

Facebook Comments