NEGOSYANTE, SUGATAN SA BANGGAAN NG DALAWANG KOTSE

17
Isang negosyante ang sugatan sa banggaan ng dalawang kotse sa FNDY Boulevard, Barangay San Fermin, Cauayan City bandang alas 10:00 ng gabi nitong Lunes Setyembre 19, 2022.

Kinilala ang sugatan na si Basilio Apostol Jr., 36-taong gulang, may asawa, residente ng Barangay San Fermin, Cauayan City at ang drayber ng Honda City habang ang nakabangga naman dito ay si Reymart Fernandez, 30-taong gulang , empleyado ng banko at residente ng Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon sa PNP Cauayan, binabagtas ni Apostol ang naturang daan patungong Luna, Isabela nang dumating sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ay nag-U turn si Fernandez dahilan upang mabangga ang biktima.

Sa lakas ng salpukan ay parehong nagtamo ng sira ang dalawang sasakyan habang dinala naman sa pagamutan si Apostol na nagtamo ng sugat sa katawan.

Ang positibo sa nakalalasing na inumin ni Fernandez na sasampahan ng kasong Reckless Imprudence resulting to Physical Injury and Damage to Property at paglabag sa RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.

Facebook Comments