Pormal nang binuksan Department of Trade Industry o DTI Pangasinan ang mga bagong Negosyo Center sa mga bayan ng Alcala at Bautista, Pangasinan noong Nobyembre 3.
Nilagdaan ng pamunuan ng DTI Pangasinan at mga lider ng LGU ng bayan ng Alcala at Bautista na sina Mayor Atty. Manuel T. Collado at Mayor Rosemarie G. Gacutan ang Memorandum of Agreement o MOA na tanda ng pagtutulungan ng ahensya at lokal na pamahalaan.
Ayon kay DTI Provincial Director Ms. Natalia Dalaten, magsisilbing satallite office ng ahensya na maglalapit sa mga negosyante at mga mamayan ng mga proyekto na makatutulong sa kanila.
Magsisilbing namang bagong pag-asa at tulong ang mga negosyo center sa mga negosyante at mga nagnanais na magtayo ng negosyo sa mga bayan.
Bahagi ang aktibidad ng mga inisyatibo ng ahensya at ng mga LGU nang patuloy na pagsisikap na maghatid ng mga programang nagbibigay ng oportunidad, at magpapalakas sa lokal na ekonomiya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










