
Nilinaw ng Kamara at Department of Information and Communications Technology o DICT na walang ipinadalang summon o pormal na imbitasyon kay META CEO Mark Zuckerberg para humarap sa House of Representatives.
Lumabas ang paglilinaw sa deliberasyon ng budget ng DICT matapos kuwestiyunin ang mga ulat na ipinatawag umano ng Kamara si Zuckerberg.
Wala ring inilabas na House resolution na nag-uutos o nag-iimbita kay Zuckerberg o sa META na humarap sa plenaryo.
Humingi rin ng paumanhin ang DICT sa naging kalituhan at agad na binawi ang naunang post nito kaugnay sa isyu.
Gayunman, tuloy ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa META kaugnay ng online safety at pananagutan ng mga social media platform.
Facebook Comments










