Saturday, July 4, 2026

SP Sherwin Gatchalian, iginiit na siya pa rin ang presiding officer sa pagsisimula ng Impeachment Trial

Iginiit ni Senate President Sherwin Gatchalian na siya pa rin ang magsisilbing presiding officer ng impeachment court sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Gatchalian na malinaw sa rules ng Senado na ang Senate President ang dapat mamuno sa impeachment trial alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng Senado.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Gatchalian na wala pang naging desisyon ang Senado na baguhin ang magiging presiding officer, kaya siya ang nakatakdang mamuno sa impeachment court.

Gayunman, nilinaw niya na maaari pa ring magtalaga o maghalal ng ibang presiding officer kung ito ang nanaisin ng mayorya ng mga senador.

Nang matanong kung kakailanganin ba niya ng abogado sa kanyang tabi habang namumuno sa paglilitis, sinabi ni Gatchalian na hindi ito kinakailangan at sa halip ang pinakamahalaga ay ang masusing paghahanda bago magsimula ang impeachment trial.

Facebook Comments