KONSEHAL NG BAYAMBANG, PANGASINAN NASAWI MATAPOS MASANGKOT SA ISANG MALAGIM NA AKSIDENTE SA SAN CARLOS CITY

‎Patuloy ang imbestigasyon ng San Carlos City Police sa vehicular accident na ikinasawi ni Bayambang Councilor Jan Nazer David Junio sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Turac, San Carlos City, Pangasinan, gabi ng Hulyo 2.


‎Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, self-accident ang pangunahing anggulong tinitingnan sa insidente. Natagpuan din umano ng mga imbestigador ang mga skid marks sa bahagi ng tulay kung saan bumangga ang sasakyan ng konsehal.


‎Nagtamo ang konsehal ng matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad na isinugod sa ospital, ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.


‎Nakahimlay na ngayon sa St. Vincent Prayer Park sa Brgy. Bani, Bayambang, Pangasinan ang mga labi ng nasabing konsehal.


‎Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang iba pang posibleng dahilan na may kaugnayan sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments