Wednesday, July 1, 2026

PAF, pinaalalahanan ni PBBM na manatiling tapat sa tungkulin at siguraduhing ligtas ang bawat misyon

Mahigpit na pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga sundalo na manatiling disiplinado, propesyonal, at tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Sa kanyang talumpati sa ika-79 na anibersaryo ng Philippine Air Force (PAF), sinabi ng pangulo na dapat patuloy na ipagtanggol ng Hukbong Himpapawid ang Konstitusyon, pangalagaan ang seguridad ng mga Pilipino, at protektahan ang mga demokratikong institusyon ng bansa.

Kasabay nito, tiniyak ni Pangulong Marcos na patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang mga sundalo sa pamamagitan ng mas maayos na kagamitan, sapat na pagsasanay, at iba pang pangangailangan upang magampanan nila nang maayos ang kanilang misyon.

Nagbigay rin ang pangulo ng direktiba sa PAF na tiyaking ligtas at nasa maayos na kondisyon ang lahat ng kanilang aircraft, at mahigpit na ipatupad ang safety protocols sa bawat operasyon.

Ayon sa pangulo, mahalagang mapanatiling ligtas ang mga piloto at iba pang tauhan dahil buhay nila ang nakataya sa bawat misyong isinasagawa.

Facebook Comments