
Magsasagawa ng information campaigns ang Department of Labor and Employment (DOLE) para masiguro ang pagsunod ng mga negosyo sa pagtatama ng wage distortions.
Kasunod ito ng anunsiyo ni Labor Secretary Francis Tolentino sa P85 kada araw na dagdag sa minimum wage sa Metro Manila na mag-uumpisa sa July 19.
Kaugnay nito, nagsasagawa na rin anila ng konsultasyon ang iba’t ibang wage boards para sa wage hike sa natitirang lugar sa bansa.
Umaasa naman si Tolentino na patuloy na paiigtingin at palalakasin ng National Wages and Productivity Board ang ugnayan sa pagitan ng mga employer, manggagawa at ng pamahalaan.
Sinabi rin ng kalihim na sunod na rerebyuhin ang mga panukalang dagdag sa minimum na sahod sa Central Visayas, Central Luzon, at CALABARZON.
Samantala, nilinaw naman ni Tolentino na layon ng ipinatupad na wage hike na tugunan ang sahod ng mga manggagawa at hindi ilihis ang atensiyon ng publiko sa ibang mga isyu.










