Wednesday, August 26, 2026

NIA, SINURI ANG MGA PLANONG IRRIGATION PROJECT AT NATAPOS NA PROYEKTO SA ILOCOS NORTE

‎‎Sinuri ng mga opisyal at technical personnel ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga lugar na nakatakdang pagtayuan ng limang Small Reservoir Irrigation Projects (SRIPs), gayundin ang site ng planong Paoay Lake Irrigation Project at ilang natapos nang proyekto sa lalawigan ng Ilocos Norte.

‎Pinangunahan ang inspeksiyon ni NIA Senior Deputy Administrator Engr. Robert C. Suguitan kasama ang iba pang opisyal at technical personnel ng ahensya.

‎Kabilang sa mga nakibahagi sina NIA Region I Regional Manager Engr. Geffrey B. Catulin, Ilocos Norte Irrigation Management Office (INIMO) Division Manager Engr. Joselito C. de Vera, Division Manager for Design and Specifications mula sa NIA Central Office, at iba pang opisyal at technical personnel ng ahensya.

‎Personal na tinungo ng grupo ang mga planong pagtatayuan ng mga SRIP upang suriin ang mga lugar at malaman ang kalagayan ng mga ito para sa posibleng pagpapatayo ng mga proyektong pang-irigasyon.

‎Bumisita rin ang grupo sa ilang natapos nang irrigation projects sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang makita ang kalagayan ng mga imprastrukturang naipatayo.

‎Ayon sa NIA, bahagi ang isinagawang inspeksiyon ng patuloy na pagsisikap ng ahensya na palakasin ang mga proyektong pang-irigasyon sa Ilocos Norte.

‎Layunin din nito na matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maayos na sistema ng patubig at makatulong sa pagpapataas ng produksyon sa sektor ng agrikultura sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments