Wednesday, August 26, 2026

IFM DAGUPAN NANGUNA SA ISINAGAWANG OPLAN TABANG NG RMN FOUNDATION AT METROBANK FOUNDATION

Matagumpay ang pangalawang araw ng Oplan Tabang ng RMN Networks, IFM Dagupan, RMN Foundation Inc., at ng Metrobank Foundation para sa mga mamamayan ng bayan ng Calasiao.

‎Nagtango sa barangay Talibaew, Longos, at Malabago, Calasiao ang ating Oplan Tabang upang maghatid ng relief goods gaya ng grocery pack, 5 kg of rice at malinis na inuming tubig.

‎Ang mga nasabing barangay ang ilan lamang sa mga lubhang naapektuhan ng baha dulot ng bagyo at habagat ngayong buwan ng Agosto.

‎Bakas sa ngiti sa mga labi ng 300 beneficiaries ang saya na kanilang naramdaman dahil sa tulong na ito mula sa ating himpilan.

‎Sa patuloy na pakikipagtulungan ng ilang pribadong sektor, makaaasa ang ating mga kababayan na ang RMN Foundation Inc., RMN Networks, at iFM Dagupan ay patuloy na magbibigay ng ganitong serbisyo publiko sa panahon ng pangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments