Wednesday, August 26, 2026

AMA, ARESTADO MATAPOS I-HOSTAGE ANG SARILING ANAK SA BAYAN NG BUGALLON

Isang batang babae ang ligtas na nailigtas matapos i-hostage umano ng kanyang ama sa isang insidente sa isang barangay sa Bugallon, Pangasinan dakong alas-5 ng hapon noong Agosto 24, 2026.

‎Ayon sa paunang ulat, agad rumesponde ang Bugallon Police Station matapos makatanggap ng sumbong mula sa barangay.

‎Pagdating ng mga pulis, nakita umano ang suspek na may hawak na anak at armado ng bolo.

‎Sinubukan munang lutasin ng mga awtoridad ang sitwasyon sa pamamagitan ng pakikipagnegosasyon. Itinapon umano ng suspek ang hawak na bolo, ngunit kalaunan ay muli itong naging agresibo.

‎Nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Pangasinan Police Provincial Office at SWAT, sa pangunguna ng kanilang mga opisyal, para mapigilan ang suspek at masagip ang biktima.

‎Matagumpay na naaresto ang suspek at ligtas na narekober ang bata. Dinala ang lalaki sa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at legal na proseso, habang binigyan naman ng kinakailangang tulong ang biktima. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments