Wednesday, August 26, 2026

URI NG BALYENA, NAKABALIK SA LAOT MATAPOS MASAGIP SA PAGUDPUD, ILOCOS NORTE

Matagumpay na nakabalik sa karagatan ang isang pygmy sperm whale, isang uri ng balyena matapos itong masagip nang matagpuang buhay at stranded sa Sitio Namnama, Barangay Burayoc sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte noong August 18, 2026.

‎Bandang alas-10 ng umaga nang iulat ang pagkaka-strand ng marine mammal, na napag-alamang nawalan ng kakayahang manatiling nakalutang kaya nangangailangan ng agarang interbensyon upang maiwasan ang karagdagang stress at posibleng pagkamatay nito.


‎Agad na nagsagawa ng stranding response ang mga lokal na mangingisda at Local Government Unit ng Pagudpud, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pamamagitan ng Provincial Fisheries Office–Ilocos Norte, Provincial Government of Ilocos Norte, at Philippine Marine Mammal Stranding Network.

‎Matapos ang isinagawang assessment, maingat na inasikaso at inilipat ang nasabing balyena sa lugar kung saan maaari itong masuportahan at mamonitor habang isinasagawa ang mga hakbang upang mapatatag ang kondisyon nito.

‎Patuloy na minonitor ng mga responder ang kilos, paghinga, buoyancy at pangkalahatang kondisyon ng mammal.

‎Bandang alas-3 ng hapon ng parehong araw, nagpakita ng senyales ng pagbuti ang kondisyon nito at kusang nakabalik sa bukas na karagatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments