NINAKAW NA GAMIT SA SIMBAHAN, NAKITA UMANO SA ISANG ONLINE MARKETPLACE; MAG-LIVE-IN PARTNER ARESTADO

Facebook Marketplace ang naging susi umano sa pagkakatunton ng mga kagamitang ninakaw sa isang simbahan sa Barangay Malimpin, Dasol, Pangasinan.
‎
‎
Natuklasan ng pastor ng Christian Church na nawawala ang ilang kagamitan ng simbahan, kabilang ang gitara, mga amplifier, mixer at microphone receiver.
‎
‎
Napansin din ang sirang bakal na grills sa bintana ng simbahan na pinaniniwalaang ginamit upang makapasok ang mga suspek sa loob ng gusali.
‎
‎
Sa isinagawang imbestigasyon ng Dasol Police Station, natukoy umano ng mga pulis na ang mga nawawalang kagamitan ay inilagay para ibenta sa Online Marketplace.
‎
‎
Dahil dito, agad nagsagawa ng hot-pursuit operation ang mga awtoridad kasama ang complainant, na nagresulta sa pagkakarekober ng mga nawawalang kagamitan.
‎
‎
Naaresto naman ang dalawang suspek na mag-live-in partner sa Barangay San Vicente, Dasol, sakay ng isang tricycle na walang plaka.
‎
‎
Nasa kustodiya na ng Dasol Police Station ang dalawang suspek habang inihahanda ang kaukulang reklamo kanilang haharapin.
‎

‎Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments