Friday, September 4, 2026

Pagdaan ng Pinoy Seafarer sa Strait of Hormuz, wala umano sa kontrata; DMW, dinalaw ang naulilang pamilya

Personal na dinalaw ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang pamilya ng nasawing seafarer upang magpaabot ng pakikiramay at tiyakin ang buong suporta ng pamahalaan.

Nagpaabot naman ng hiling para sa isang masusing imbestigasyon ang pamilya matapos masawi ang biktima sa pag-atake sa Strait of Hormuz habang patapos na sana ang kontrata nito.

Ikinagulat ng pamilya ang nangyari dahil wala umano sa orihinal na kontrata ng biktima ang pagdaan sa Strait of Hormuz, kung saan nakasaad na patungo lamang ito sa Europe at hindi sa peligrosong ruta.

Dahil dito, hiniling ng pamilya ang incident report, mga larawan, at iba pang dokumentasyon upang makumpirma ang pagkakakilanlan ng kaanak at maiuwi agad ang labi nito.

Sa kasalukuyan, naglabas na ng pahayag ang Jebsen PTC at nakikipagtulungan na sa mga ahensya ng gobyerno para sa mabilis na pagpapauwi sa mga nasawing marino.

Facebook Comments