Ang naturang proyekto, na ipinatupad sa Barangay Amangbangan, ay isa sa mga infrastructure projects ng pamahalaang lungsod na kinilala dahil sa malaking epekto nito sa komunidad, partikular sa mga lokal na magsasaka.
Kaugnay nito, nagsagawa nitong Martes, September 8, ng surprise at masusing on-site validation ang National Validators ng SubayBAYANI Awards upang personal na makita at masuri ang proyekto.
Mainit namang tinanggap ni City Mayor Arth Bryan Celeste ang validation team na pinangunahan ni DILG Region 12 Assistant Regional Director Samuel Camaganacan.
Kasama rin sa validation team sina OPDS Project Manager One Leoniel Labajo, NSCC Internal Audit Assistant Jun-jun Lizardo Reyes, at LGOO Five Darly Gio Galvez, na Chief Project Development Officer ng DILG Regional Office One.
Ang SubayBAYANI ay isang programa ng Department of the Interior and Local Government o DILG na naglalayong isulong ang real-time monitoring ng mga infrastructure projects na ipinapatupad ng local government units o LGUs.
Layunin din nitong matiyak ang epektibong project management, transparency, at accessibility ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ang entry ng Alaminos City ay ang Multi-Purpose Drying Pavement o MPDP sa Barangay Amangbangan.
Bukod sa pangunahing gamit nito para sa mga magsasaka, nakatulong din ang proyekto sa pagpapahusay ng kanilang productivity at nagsisilbi rin itong karagdagang lugar para sa iba’t ibang social at sports activities ng mga residente.
Sa isinagawang validation, naroon din sina City Local Government Operations Officer Victoria Jean Dawis, City Planning and Development Coordinator Eduardo Garcia, City Engineer Roel Camba, at City Agriculturist Bella Pasagoy.
Hindi lamang sa Barangay Amangbangan nagtungo ang validation team.
Bumisita rin ang mga National Validators sa isa pang LGU-funded Multi-Purpose Drying Pavement project sa kalapit na Barangay Sta. Maria, bilang bahagi ng kanilang validation.
Ang pagkakasama ng proyekto ng Alaminos City sa Top 30 National Finalists ay nagpapakita ng pagkilala sa mga programang may konkretong pakinabang sa komunidad, lalo na sa sektor ng mga magsasaka.
Nasa susunod na yugto na ngayon ang proyekto ng Alaminos City sa 2026 SubayBAYANI Awards, matapos sumailalim sa national validation. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






