IKATLONG ANIBERSARYO NG BANAAN MUSEUM, IPINAGDIRIWANG

Hindi lamang mga lumang bagay at historical artifacts ang makikita sa isang museo. Sa Banaan Pangasinan Provincial Museum, buhay ang mga kwento, tradisyon, wika, sining, at alaala na humuhubog sa pagkakakilanlan ng mga Pangasinense.


Sa pagdiriwang ng ikatlong anibersaryo ng pagbubukas nito sa publiko, muling binigyang-diin ng Banaan ang mahalagang papel nito sa pagpapanatili at pagpapakilala ng cultural heritage ng Pangasinan sa komunidad.


Tatlong taon matapos itong unang buksan, patuloy na isinusulong ng museo ang layuning gawing mas accessible sa mga Pangasinense, lalo na sa mga bisita at mag-aaral, ang pag-aaral tungkol sa kasaysayan at kultura ng probinsya.


Sa halip na manatiling nakapaloob lamang sa mga koleksyon, binibigyang-buhay ng Banaan ang mga pamanang may kaugnayan sa Pangasinan. Sa pamamagitan nito, nagiging daan ang museo upang mas makilala at maunawaan ang mga kwento at tradisyong bahagi ng pagkatao ng mga Pangasinense.

‎Higit pa sa paggunita sa nakaraan, nakatuon din ang Banaan sa hinaharap. Hangad nitong manatiling tahanan ng kaalaman at kultura kung saan maaaring matuto, makiisa, at higit pang maipagmalaki ng bawat isa ang pagiging Pangasinense.


Sa pagpapatuloy ng misyon nito, nananatiling mahalaga ang papel ng Banaan sa pagtiyak na ang mga kwento at tradisyong bumubuo sa identidad ng Pangasinan ay hindi lamang maaalala, kundi maipapasa rin sa mga susunod na henerasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments